Mananatili pa rin ang number coding scheme mula November 13-15, 2017
Ayon kay Jojo Garcia MMDA Assistant General Manager for Operations paiiralin pa rin ang coding bagaman idineklarang non working holiday ang naturang mga araw dahil sa ASEAN Summit.
Paliwanag pa ni Garcia sinuspinde ang mga pasok sa opisina at paaralan para lumuwag ang mga kalsada at mabigyan ng prayoridad ang mga delagado ng ASEAN at state leaders na patungo sa pagdarausan ng ASEAN Summit.
Samantala, naglabas naman ng alternatibong ruta ang district traffic enforcement unit ng Manila Police District o MPD.
Para sa mga motoristang dadaan sa southbound lane mula sa Bonifacio Drive, maaaring kumaliwa sa Padre Burgos Avenue hanggang makarating sa destinasyon.
Sa mga magmumula naman sa Jones, Mc Arthur at Quezon Bridges at maaaring baybayin ang Taft Avenue.
Sa M.H Del Pilar naman pinadadaan ang mga motoristang magmumula sa T.M Kalaw at U.N Avenue papuntang Roxas Boulevard habang bukas rin ang Roxas Boulevard service road.
Maaari naman dumaan sa Adriatico Street ang mga patungong Roxas Boulevard mula Quirino Avenue.