Ikinokonsidera na ng MMDA ang muling pagpatutupad ng number coding scheme matapos isailalim sa mas maluwag na alert level 2 ang Metro Manila.
Ito, ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ay sa gitna nang muling pagdagsa ng mga motorista sa Edsa at iba pang mga pangunahing kalsada.
Mahigit 400K sasakyan kada araw anya ang dumaraan sa Edsa o kulang na lamang ng 5,000 upang maibalik sa normal ang bilang ng mga bumibiyahe bago mag-pandemya.
Aminado si Abalos na hindi agad naibalik ang number coding dahil ang Edsa ang dinaraanan ng ilang empleyadong pumapasok sa trabaho lalo na ng mga frontliner.—mula sa panulat ni Drew Nacino