Sinuspinde ng Metropolitan Manila Deveplopment Authority (MMDA) ang ipinatutupad na number coding scheme sa December 26, 30 at January 2.
Ito ay matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang December 26 at January 2 bilang special non-working days at December 30 bilang Rizal Day.
Sa ngayon, payo ng MMDA sa publiko na planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho, bago magtungo sa ibang lugar upang magdiwang ng pasko at bagong taon.