Palalawigin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) number coding scheme sa Metro Manila simula sa Lunes, Agosto a-15.
Ipatutupad ang number coding scheme mula alas:siete ng umaga hanggang alas:dies ng umaga at mula ala singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi.
Batay sa ulat, sinang-ayunan ito ng mga alkalde ng Metro Manila sa isinagawang pagpupulong sa tanggapan ng MMDA.
Ayon kay MMDA acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga, ang pinalawak na coding scheme ay dahil sa inaasahang pagtaas sa 13% ng bilang ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).
Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa Department of Transportation (DOTR) para sa deployment ng buses at karagdagang traffic enforces.