Nananatiling suspendido ang number coding scheme.
Sa abiso na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang naturang suspensyon sa number coding ay ‘until further notice.’
Paliwanag ng MMDA, suspendido ang number coding habang umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Bukod pa rito, epektibo rin ang naturang kautusan habang isinasapinal pa ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa rehiyon.