Sinuspinde na kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Metro Manila.
Ito ay bilang pagbigay daan sa selebrasyon o pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Ayon sa MMDA ang Number Coding Scheme para sa provincial buses, private at public utility vehicles sa NCR ay suspendido sa mismong araw ng pasko, December 25, 2021 at bagong taon January 1, 2022 .
Samantala, magkakaroon naman ng Rush hour Number Coding Scheme mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi para sa Metro Manila buses, private vehicles, at PUVs bago magpasko, December 24, Friday-Christmas Eve, December 30, Thursday Rizal day at December 31, Friday-New Year’s eve. —sa panulat ni Angelica Doctolero