Malayang makababaybay sa mga lansangan ng Metro Manila ang mga motorista sa loob ng 2 araw sa susunod na linggo.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Lunes, Oktubre 31 at Martes, Nobyembre 01.
Ayon kay MMDA General Manager Tomas Orbos, layon nitong magbigay daan sa mga motorista at bakasyunistang uuwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Undas.
Gayunman, pinaalalahanan ni Orbos ang mga motorista na magbabalik ang number coding sa Miyerkules, Nobyembre 02 kung saan, no window hour policy ang sasalubong sa kanila pabalik ng Maynila.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco