Malayang makabibiyahe ang lahat ng sasakyan sa mga kalsada ngayong weekend para gunitain ang tradisyunal na Undas.
Ito’y dahil sa suspendido ang pagpapatupad ng number coding mula bukas, Oktubre 30 hanggang sa mismong araw ng Undas sa Nobyembre 1.
Ngunit ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer in Charge Atty. Emerson Carlos, agad babalik ang pagpapatupad ng number coding pagsapit ng Lunes, Nobyembre 2.
Gayunman, tanging ang mga provincial bus lamang ang hindi saklaw ng number coding sa Lunes upang bigyang daan ang pagbabalik lungsod ng mga bakasyunista mula sa mga lalawigan.
By Jaymark Dagala