Nananatiling suspendido ang number-coding scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA Traffic Czar Col. Bong Nebrija, sa ilalim ng pag-iral ng general community quarantine “with some restrictions”, hindi pa nadadagdagan ang kapasidad sa mga pampublikong transportasyon.
Kaya mas makabubuti aniya kung papayagan pa rin na makagamit ng kanilang sasakyan ang mga papasok ng trabaho lalo na ang mga health workers o frontliners.
Dagdag ni nebrija malaking bagay din ito para sa mga magbubukas pa lamang ng kanilang negosyo kung saan kailangan nila ng transportasyon para sa kanilang logistics o pagdadala ng kanilang mga produkto.