Pansamantalang aalisin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa Biyernes, Abril 28 sa Metro Manila maliban sa Makati at Las Piñas cities.
Ito’y bilang preparasyon para sa 30th Association of Southeast Asian Nations Summit.
Inabisuhan din ng MMDA ang mga motorista at commuter na asahan na ang matinding traffic congestion sa Maynila, Pasay at Makati simula ngayong araw hanggang Sabado partikular sa Philippine International Convention Center.
Samantala, kabilang naman sa mga kalsadang itinalaga bilang ASEAN lanes o daraanan ng mga delegado ang Senador Diokno Boulevard, Jalandoni Street, V. Sotto Street at Bukaneg Street.
By Drew Nacino
Number coding scheme suspendido sa Biyernes—MMDA was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882