Suspendido ang number coding ng mga provincial bus ngayong holiday season.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), hindi muna ipapatupad ang number coding scheme ng mga provincial buses sa Disyembre 23, 24, 26, 27, at 31.
Ito anila ay para maserbisyuhan ang mas marami pang pasahero.
Samantala, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal ilang araw bago ang Pasko.