Magsisimula na ngayong araw ang pagsuspinde sa Number Coding Scheme na tatagal hanggang Nobyembre a-1.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson, Mel Carunungan, nakahanda ang kanilang ahensya sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista ngayong Undas.
Nabatid na magpapakalat ang MMDA ng 1,500 na tauhan kasabay ng paglalagay ng public assistance centers kung saan, nakaantabay ang mga ambulansya sakaling magkaroon ng aksidente.
Samantala, mahigit 10,000 Pulis ang ipapakalat sa Metro Manila para sa seguridad ng mga bibisita sa sementeryo ngayong Undas 2022. —sa panulat ni Jenn Patrolla