Suspendido bukas, November 30 ang ipinatutupad na Number Coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang mismong kinumpirma ng MMDA kasabay ng selebrasyon ng Bonifacio Day.
Dahil sa kautusan, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 5 at 6 na sakop ng Number Coding tuwing Miyerkules ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na planuhin ng maigi ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.