Mas marami ngayon ang bilang ng mga namamatay sa dengue sa Bayan ng Subic kumpara sa nakalipas na taon.
Batay sa datos ng Municipal Health Office, mula nitong Enero hanggang Setyembre ay umabot na sa 13 ang namamatay sa nasabing sakit na mas mataas kumpara sa walo noong 2019.
Sinabi ni Municipal Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay na mayroong gradual increase ng mga tinatamaan ng dengue partikular sa Barangay San Isidro, Pamatawan at Manganvaca.
Pinaalalahanan naman ang mga residente na panatilihin ang manilis na paligid at agad na magpakonsulta kung may maramdamang sintomas ng sakit.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico