Umabot na sa mahigit 2,700 pamilya o nasa 12,200 katao na ang apektado ng bagyong Jolina.
Pawang mga residente ng 65 Barangay sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas ang mga naapektuhan ng bagyo.
Tinatayang 2K pamilya o mahigit 8,600 katao naman ang nananatili sa 55 evacuation centers.
Ayon sa NDRRMC, 12 katao ang nawawala habang nasa 24 na kabahayan ang nawasak o napinsala sa Bicol at Western Visayas.
Sinuspinde rin ang operasyon ng halos 50 pantalan kaya’t mahigit 3,200 pasahero at nasa 1K sasakyang pandagat ang hindi nakabiyahe sa regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7 at 8.—sa panulat ni Drew Nacino