Dumami ang mga Pilipinong handang magpabakuna kontra COVID-19.
Base sa tugon ng masa national survey ng OCTA Research, aabot sa 53% ng mga adult Pinoy ang nagsabing handa silang maturukan habang 16% ang tumangging magpabakuna.
Isinagawa ang survey noong Hulyo 12 hanggang 18 sa 1,200 respondents.
Ang resulta ng survey noong Hulyo ay mataas ng 34 points kumpara sa 19% na naitala noong Enero 2021.
Bumaba naman ang bilang ng mga pinoy na tumangging magpabakuna kumpara sa 46% noong Enero.
Samantala, nasa 18% ang wala pa ring desisyon kung magpapabakuna kontra COVID-19.—sa panulat ni Drew Nacino