Nakapagtala ng karagdagang 9 kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa batay sa bagong tala ng Department of Foreign Affairs ngayong Sabado.
Bunsod nito mayroon nang kabuuang 14,420 na nagpositibo sa COVID-19 abroad, kung saan 4,400 sa mga ito ay patuloy na nagpapagaling at 9,066 naman sa mga ito ay nakarekober na.
Samantala, 945 naman ang kabuuang nasawi habang wala namang naitalang bagong kaso ng namatay ngayong araw.
Tinatayang nasa 86 na bansa na ang naitalang may mga Pilipinong nadapuan ng COVID-19. —sa panulat ni Agustina Nolasco