Aabot sa 208,649 ang bilang mga Pilipinong nakapag-apply sa National Digital Vaccine Certificate o Vaxcertph.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa nasabing bilang, 127,252 ang nakakuha ng certificate; 77,918 ang no-record found at 3,479 ang may incorrect record details.
Sa region 3, 4, Metro Cebu, at Metro Davao ay umabot na sa 57,828 ang nakapag-apply kung saan 34,699 ang generated; 20,956 ang no-record found at 1,001 ang incorrect record details.
Sa ngayon, hindi pa tiyak ang petsa kung kailan mailulunsad ang vaxcertph sa buong bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico