Ibinaba ng Office of the Civil Defense (OCD) 5 sa 17 ang bilang ng nasawi dahil sa super typhoon Rolly sa Bicol region.
Ito ay kasunod ng isinagawang pagsusuri ng OCD sa natanggap nilang report mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa OCD 5, muling itinala sa bilang ng mga nawawala ang 2 katao na una nang iniulat na nasawi sa Guinobatan, Albay.
Dahil dito, umakyat naman sa 3 ang nawawala dahil sa bagyong Rolly habang nakapagtala ng 160 na sugatan.
Unang inanunsyo ng NDRRMC na mayroon nang 20 nasawi dahil sa bagyong rolly mula sa mga rehiyon ng Bicol, CALABARZON at MIMAROPA.
Samantala, batay sa datos ng Department of Agriculture, pumalo na sa P2.4-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at mahigit 58,000 hectares na apektadong taniman.
Habang mahigit P4.6-B naman ang halaga ng pinsala sa imprastraktura tulad ng mga national roads, tulay at flood control.