Sumirit na sa 496 ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa lalawigan ng Cebu sa nakalipas na dalawang linggo.
Sa datos ng DOH-Central Visayas, pinakarami ang naitala sa cebu city na aabot sa 109; Lapu-Lapu City, limampu at Mandaue City,31.
Nasa high risk category naman ang COVID-19 dedicated hospital beds sa lalawigan na may 72.5 occupancy rate.
Sa Cebu City pa lamang, aabot na sa 75.8% ang bed capacity habang malapit nang mapuno ang ilang pangunahing ospital.
Kabilang na rito ang Vicente Sotto Memorial Medical Center, ang pinaka-malaking regional hospital, na ngayo’y nasa 95.5% na ang kapasidad para sa COVID-19 beds.—sa panulat ni Drew Nacino