Patay ang isang pulis gayundin ang numero unong drug personality sa Minglanilla, Cebu matapos ang operasyon kontra droga ng Philippine National Police o PNP.
Kinilala ang nasawing suspek na si Jovelio Franza na sangkot sa gun for hire at kilala ring hitman ng numero unong drug lord sa Central Visayas na si France Saballones.
No. 1 drug personality sa Minglanilla, Cebu na si Jovelio Franza, patay, sa anti-drug operation ng PNP @dwiz882 pic.twitter.com/3LYLfwovTQ
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) February 20, 2018
Kinilala naman ang nasawing pulis na si PO2 Evies Espina na nagsilbing poseur buyer sa buy bust operation.
Ayon kay PNP Region 7 Spokesperson Superintendent Reyman Tolentin, natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya agad nila itong pinaputukan.
Nagkaroon pa ng habulan bago nakorner at napatay ang target ng operasyon na si Franza.
Tiniyak ng pamunuan ng PNP Region 7 ang tulong sa pamilya ng nasawing pulis.
—-