Nadagdagan pa ang grupo ng mga abogado na nagpahayag ng pagkabahala sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga naarestong drug dealers.
Ayon kay Atty. Edre Olalia, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers, tila mayroon nang pattern ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga suspects.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Edre Olalia
Nilinaw ni Olalia na buo ang suporta nila sa kampanya ng Duterte administration na mapuksa ang illegal drugs sa bansa.
Gayunman, mayroon anyang tamang pamamaraan ng pagsugpo sa krimen na hindi makakayurak sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Edre Olalia
By Len Aguirre | Ratsada Balita