Nagpatutsada ang National Union Of Peoples’ Lawyers (NUPL) kay MMDA Spokesperson Celine Pialago kaugnay sa naging pahayag nito sa naging libing ng anak ni Political Detainee Reina Mae Nasino.
Ayon kay NUPL President Edre Olalia, hindi nila hihilingin na matulad ang sinoman sa sinapit ni Nasino kung saan hindi na nakasama pa nito ang kaniyang anak noong nabubuhay pa ito.
Hindi rin aniya ito nagkaroon ng maayos na pagkakataon para magdalamhati sa pumanaw niyang anak.
Tiniyak din ni Olalia na sakali mang mangyari ito kay Pialago ay gagawin din nila ang mga hakbang na ginawa nila para kay Nasino.
Una rito, nagpost sa social media si Pialago kung saan binatikos nito ang mga nakikisampatya kay Nasino aniya hindi lahat ng nakakulong ay hindi nakakalabas para makapunta sa burol o libing ng kanilang kamag-anak.