Umapela sa korte suprema ang National Union Of Peoples Lawyers (NUPL) upang baliktarin ang desisyon ng Court of Appeals na nagbabasura sa kanilang petition for writ of amparo at habeas data.
Sa kanilang petisyon, pinuna ng NUPL na isa na namang human rights Lawyer ang pinatay sa Negros matapos ibaba ang desisyon ng C.A.
Ayon sa NUPL, kung ang mga katulad nilang abogado ay hindi makakuha ng proteksyon sa korte paano pa ang mga ordinaryong mamamayan na biktima ng anila’y state sponsored violence.
Una nang sinabi ng Court of Appeals na hindi sapat ang ipinakitang ebidensya ng NUPL sa mga alegasyon ng banta sa kanilang buhay, seguridad at kalayaan mula mismo sa pamahalaan.