Hindi nababahala si MNLF o Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari sa pagpapaaresto sa kanya ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft at malversation na kinakaharap nito.
Ayon kay MNLF Spokesman Emmanuel Fontanilla, bagamat nakalulungkot ang naturang pangyayari ay buo pa rin tiwala nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy naman aniyang nakikipag-usap kay Misuari.
Ipinaalala ni Fontanilla na ang paghahangad ng ganap na kapayapaan sa Mindanao ang nakasalalay sa naturang usapin.
“Ang pinaka-positive factor dito ay yung leadership ni President Duterte, palagay ko walang problema ito kasi nag-uusap naman yung dalawa (Duterte and Misuari), palagi namang nasa Malacañang si Chairman, sa palagay ko puwede itong patch up or maybe back channels can be done to reconsider
actions of the Sandiganbayan, magagawa din siguro yan ng executive kasi yung prosecution naman sa executive yan eh.” Pahayag ni Fontanilla
By Ralph Obina / Ratsada Balita Interview