Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya na huwag hulihin si Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chair Nur Misuari.
Si Misuari ay kasalukuyang nagtatago dahil sa arrest warrant na inisyu ng isang korte na nag-ugat sa Zamboanga City siege noong 2013.
Ngunit, ayon kay Duterte, kapag inaresto si Misuari ay masisira ang pakikipag-usap niya sa mga rebeldeng Moro sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na kapag may nangyari pa kay Misuari sa police custody ay makokompromiso ang peace process dahil malakas ang impluwensiya ng MNLF leader sa mga Muslim leader.
Una rito, tiniyak na ni Duterte kay Misuari sa isang phone conversation na hindi niya ito iparadakip.
By Jelbert Perdez