Humirit si Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe patungong Bangladesh.
Batay sa inihain niyang mosyon, naki-usap si Misuari sa korte na pahintulutan siyang makadalo sa pagpupulong ng organization of Islamic cooperation mula ika-lima hanggang ika-anim ng Mayo.
Ayon kay Misuari, inimbitahan siya na maging tagapagsalita hinggil sa pagpapalakas ng peace process ng MNLF.
Nahaharap si Misuari sa kasong graft at malversation kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mahigit isandaang (100) milyong pisong halaga ng educational materials noong siya pa ang nakaupong gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
—-