Lumantad na umano si dating Moro National Liberation Front (MNLF) Leader Nur Misuari na wanted sa umano’y papel niya sa madugong Zamboanga siege noong 2013.
Si Misuari ay nakitang nanguna sa pulong ng mga tagasunod ng MNLF at mga miyembro umano ng Abu Sayyaf Group, bagamat nakatakas sa mga tumutugis sa kanyang security forces.
Ayon sa journalist na si Al Jacinto na nakabase sa Zamboanga, mismong si Misuari ang nagpatawag na nasabing assembly noong Biyernes sa Indanan, Sulu na dinaluhan ng malaking bilang ng MNLF at Abu Sayyaf rebels.
Ipinaabot umano ni Misuari sa nasabing assembly ang pagnanais niyang dumalo sa Islamic Inter Parliamentary Union sa Geneva, Switzerland.
By Judith Larino