Hindi sumipot si Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari sa arraignment ng kanyang kaso sa Sandiganbayan.
Kaugnay ito sa umano’y 77.2 million peso ghost textbook scam noong siya pa ang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Dalawang bilang ng graft and malversation ang kinakaharap ni Misuari sa third division ng Sandiganbayan.
Tanging si Robert Kallos, abogado ng dating gobernador ang dumalo sa arraignment na ini-re-schedule sa Pebrero 27.