Nanganganib na maubos ang mga nurses sa bansa bunga ng napakaliit na pasahod sa mga ito.
Ayon kay Lea Paquiz ng ‘Ang Nars’ party-list, 2002 pa isinabatas ang Philippine Nursing Act subalit hindi pa ito ipinatutupad hanggang sa ngayon.
Nakasaad anya sa batas na hindi dapat bababa sa Salary Grade 15 ang pasahod sa mga nurses.
Gayunman, hindi anya ito naipatupad dahil sa executive order ng noo’y pangulong Gloria Arroyo at Salary Standardization Law na nagtatakda ng Salary Grade 11 para sa mga nurses.
Sinabi ni Paquiz na hindi sila interesado sa ngayon sa mga nagsusulong ng salary increase para sa mga nurses dahil mas nais nilang desisyunan ng Korte Suprema ang hindi pagpapatupad ng Philippine Nursing Act of 2002.
Meron po tayong memorandum na sinubmit, iniintay natin ngayon ‘yung kanilang desisyon, dahil na-devolution tayo sa DOH, ang mga nandoon mga job order, ngayon ang inilalaban natin na maging permanent,” ani Paquiz. — sa panayam ng Ratsada Balita