Patuloy na nagkaka-ubusan ang mga nars at health care workers sa bansa dahil sa pagkuha ng mga oportunidad sa ibang bansa.
Sinabi sa programa ng Todong Nationwide Talakayan (TNT) ni Melvin Miranda, Presidente ng Philippine Nurses Association ay mas naging agresibo ang pagre-recruite ng mga nurse lalo na sa mga kumpanya sa ibang bansa.
Isa rin ani Miranda ang Pilipinas ang pinakamababa magpasahod sa Southeast Asia.
Sa kabila ng pakikipagtulungan sa gobyerno kailangan pang mas pagsumikapan ng pamahalaan na maibigay ang hinihingi ng mga nars. - sa panulat ni Hannah Oledan