Dapat magkaroon ng kursong nursing sa mga State Universities.
Ito’y ayon kay Dr. Benito Atienza, Vice President ng Philippine Federation of Professional Associations, upang makatulong na malutas ang kakulangan ng nurse sa bansa.
Dagdag pa ng opisyal ng PFPA, problema din aniya ng bansa ang bumababang bilang ng mga nursing instructors na dapat ding matugunan ng pamahalaan.
Iminungkahi pa ni Dr. Atienza na dapat ding magdagdag ng scholarship ang gobyerno para mahikayat ang mga estudyante na kumuha ng kursong nursing. - sa panunulat ni Myka Servanes