Nakatanggap ng bagsak na grado si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa isang grupo ng estudyante.
Ayon sa National Union of Students Philippines (NUSP) hinggil sa pangangailangan ng kanilang sektor lalo na ngayong may pandemya.
Giit ng grupo sa mababang grado ay dahil sa mahinang pagpapatupad ng distance learning program ng pamahalaan maging ang umano’y kwestyonableng kalidad ng edukasyon.
Mababatid na lumabas sa survey ng movement for sale, equitable, quality and relevant education, na kalahati ng mga guro ang nagsasabing hindi nakatutulong ang mga self-learning modules.
Bukod dito, binigyang diin din ng grupo ang problema ng mga guro at mag-aaral sa isyu ng internet connection na mahalaga sa online classes ng mga ito.