Pinasisiguro ng isang grupo ng mga estudyante ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa muling pagbabalik ng limited face to face classes sa ilalim ng Alert level 3 sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) President Jandeil Roperos na ang pagbabalik sa classroom instruction ay dapat gawing “case-to-case basis.”
Umapela rin ang lider ng mga Kabataan sa Commission on Higher Education (CHED) at sa Pamahalaan na patuloy na suportahan ang mga pangangailangan ng sektor ng edukasyon.
Ito’y sa porma ng pagbibigay ng sapat na pondo para sa taong 2022 na gagamitin sa pagbabalik ng in person classes sa bansa.