Dahil sumisikat ngayon sa Tiktok ang crab paste na masarap pang ulam sa mainit na kanin, alamin natin ang benepisyo ng pagkain ng crab meat sa katawan.
Ang crab meat ay mainam na source ng protein at mayaman din ito sa vitamins and minerals na nakapagpapalakas ng ating katawan.
Sagana rin ito Omega-3 polyunsaturated acids at mababa ang fat content kaya’t maganda ito sa mga nagda-diet lalo na sa mga taong chini-check ang kanilang calorie content.
Bukod pa rito, pinoprotektahan din nito ang puso laban sa mga heart disease.
Bagamat sagana ito sa mga bitamina at benepisyo sa katawan, tandaan ang lahat ng sobra ay nakakasama sa katawan kaya’t hinay-hinay lang sa pagkain ng crab meat at crab paste.