Inihayag ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na marami silang natanggap na ulat hinggil sa mga nasayang na COVID-19 vaccine matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario ng NVOC na sinuri na ng kanilang team ang mga storage facility upang ma i-report ang bilang ng mga bakunang nasayang.
Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na 100 vials ng Pfizer vaccine ang nasayang dahil nawalan ng kuryente ang Iloilo.
Sinabi pa ni Rosario na ikinukonsiderang hindi na mapapakinabangan ang mga bakunang nalubog sa baha, nawalan ng kuryente ang storage nito ng mahigit apat na oras at kung natanggal na ang label nito.
Binigyang diin pa nito na prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga bakuna bago ito iturok sa mga mamamayan.