Pinadaragdagan ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang alokasyon ng COVID-19 vaccine sa mga lokal na pamahalaan partikular na ng Astrazeneca, Pfizer at Moderna.
Ayon kay Dr. Kezia Lorraine Rosario ng NVOC, ang naturang mga bakuna kasi ay madalas itinuturok bilang booster shot sa mga nabakunahan ng Sinovac, Janssen, Gamaleya at iba pa.
Ginagamit din kasi aniya ang moderna at Pfizer sa mga batang may edad 12 hanggang 17.
Sinabi pa ni Rosario na paraan ito upang balansehin ang paglalaan ng bakuna sa mga vaccination sites sa bansa.
Batay sa National COVID-19 Vaccination dashboard hanggang nitong December 22, aabot na sa 1.2 million doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa Pilipinas.