Kinakailangan umanong magpatupad muli ng water interruption para maiwasang magkaroon ng krisis sa tubig sa susunod na taon.
Ito ang paliwanag ng National Water Resources Board (NWRB) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hinggil sa muling pagkakaroon ng rotational water service interruptions.
Ayon kay MWSS administrator Emmanuel Salamat, ang water interruptions ay isa sa mga hakbang para matiyak na ang sapat na suplay ng tubig sa susunod na taon lalo na sa panahon ng tagtuyot.
Bagama’t hindi pa aniya tiyak na may krisis sa tubig sa 2020, kailangan pa rin itong paghandaan.
Maliban dito kailangan na rin aniyang ihanda ang iba pang pagkukunan ng tubig gaya ng Kaliwa dam kaya’t minamadali na ang konstruksyon nito.
Inaasahang magbibigay ng 600 million liters ng tubig ang nasabing dam kada araw sa Metro Manila.