Hinimok ng National Water Resources Board (NWRB) ang publiko na samantalahin ang malakas na buhos ng ulan ngayong araw na ito para makapag ipon ng tubig.
Sinabi sa DWIZ ni NWRB Director Dr. Sevillo David na malaking tulong ang tubig ulan para sa maraming tubig na kailangan ng publiko.
Tiwala aniya silang makakaabot sa watershed ng Angat Dam ang malakas na pag ulan para madagdagan naman ang water level rito.