Pinatotohanan ng National Water Resources Board (NWRB) ang pahayag ng mga water concessionaire na posibleng tumagal pa hanggang Disyembre ang nararanasang rotational water service interruption sa Metro Manila.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr, binawasan nila ang water allocation sa Maynilad at Manila Water dahil mababa pa ring lebel ng Angat Dam dahil sa kawalan ng ulan.
Paliwanag ni David, kailan na masecure ang 200.12-meters na lebel ng tubig sa Angat hanggang sa susunod na taon para masigurong may sapat na suplay ng tubig sa pagpasok ng tag-init.
Kung hindi makukuha ang naturang lebel sa Angat Dam ay magpapatuloy ang pagbabawas sa alokasyon ng tubig na magreresulta naman ng patuloy na rotational water service interruption.
Sa ngayon po, base sa projections, may posibilad po na hindi umabot sa 212 [meters, ang water level sa Angat dam] bago matapos ang taon at kung ganoon nga ang mangyayari, baka magpatuloy itong pagbabawas sa normal na alokasyon para maitawid ang suplay natin [ng tubig] hanggang sa susunod na taon,” — sa panayam ng Ratsada Balita