Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig ngayong tag-init.
Ayon sa Sevillo David, executive director ng NWRB, nananatiling normal ang distribusyon ng tubig at makakaasang sasapat ito hanggang sa pumasok ang tag-ulan sa Hunyo.
Gayunman, nagpaalala si David na mas mabuti pa rin na maging responsable at magtipid sa paggamit ng tubig
Batay sa datos ng PAGASA, nasa 194.12 meters ang antas sa Anggat Dam.