Aminado ang NYC o National Youth Commission sa kulang na suporta ng gobyerno at publiko sa mga kabataan kaya’t tumataas ang bilang ng kaso ng HIV at teenage pregnancy sa bansa.
Sa gitna na rin ito ayon sa NYC nang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng HIV o kaya naman ay maagang nabubuntis kung saan nangunguna ang Pilipinas sa Southeast Asia.
Sinabi ni NYC Commissioner Aiza Seguerra na dapat magsimula ang suporta sa mismong pamilya ng mga kabataan at tutulong din ang gobyerno at publiko.
Nagawa aniyang masolusyunan ng Thailand ang ganitong problema sa kanilang bansa dahil sa aktibong kampanya ng kanilang gobyerno at pribadong sektor kayat dapat ay ganito rin ang gawin sa Pilipinas.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)