Pinag-aaralan ng National Youth Commission (NYC) ang paglikha ng Inter-Agency Task Force (IATF) na tutugon sa kapakanan ng mga batang-kalye.
Ayon kay NYC Chairperson Ronald Cardema, bubuuhin ang IATF ng mga kinatawan ng NYC, Council for the Welfare of Children (CWC), Sangguniang Kabataan (SK), Departments of Education (DEPED), Social Welfare and Development (DSWD), Interior and Local Government (DILG), at Local Government Units (LGU).
Nabanggit din ni Cardema ang napaulat na apat na taong gulang na nasawi noong nakaraang taon matapos masahasaan ng Sports Utility Vehicle (SUV) sa Malate, Manila.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang panahon ng biktima na magsampa ng kaso laban sa driver na kinadismaya naman ni Cardema.
Inulan naman ang naturang plano ng batikos mula sa mga magulang na bigong masubaybayan ang kanilang mga anak.
Samantala, pinag-aaralan na ng NYC ang pagtatayo ng pasilidad para sa mga batang-kalye na gaya ng boystown at girlstown. – sa panulat ni Hannah Oledan