Dismayado ang NYC o National Youth Commission sa pagpapaliban ng kamara sa barangay at SK elections.
Kasunod na rin ito nang pagkakalusot sa committee level ng Kamara ang panulalang ipagpaliban ang barangay at SK elections sa darating na Oktubre at gawin na lamang ito sa May 2018.
Ayon kay NYC Commissioner Aiza Seguerra hindi na naman mabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang marinig ang kanilang boses at patunayan ang kanilang kakayahan na makatulong sa komunidad at sa bansa.
Matagal na aniyang bakante ang Sangguniang Kabataan Council dahil ilang beses nang naipagpaliban ang SK Elections.
Sinabi ni Seguerra na sakaling hindi matuloy ang barangay elections sana aniya ay maidaos ang SK elections para maipakita ng mga kabataan ang magagawa para sa mamamayan at sa bansa.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)