Iniimbestigahan na ng New York Police Department ang sanhi ng pagsabog sa Central Park na halos ikaputol ng binti ng isang pulis.
Ayon sa NYPD hindi pa matukoy sa ngayon kung fireworks o homemade na mga pampasabog ang bumulabog sa lungsod ng New York.
Inaalam din sa ngayon kung may kaugnayan ang pagsabog sa idaraos na Independence Day ng Estados Unidos bukas.
By: Ralph Obina