Kasado na ang isasagawang oath-taking ceremony at ceremonial confirmation sa mga miyembro na bubuo sa BTA o Bangsamoro Transition Authority mamayang hapon sa Malakanyang.
Ayon sa Malakanyang manunumpa sa harapan ni pangulong rodrigo duterte ang 80 miyembro ng bta na mamumuno sa bagong bangsamoro region.
Sa ngayon wala pang inilalabas ang Mlakanyang na listahan ng mga pangalan ng mga kasama sa 80 miyembro ng BTA.
Si Pangulong Duterte ang hihirang sa BTA members kabilang ang chief minister.
Batay sa Bangsamoro Organic Law, otomatik na magiging miyembro ng BTA ang kasalukuyang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hanggang sa mapaso ang kanilang termino sa June 30, 2019.
Ang BTA ang magsisilbing interim government para sa BARMM hanggang sa pagsapit ng eleksyon sa taong 2022.
with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)