Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass oath taking ng mga bagong talagang opisyal ng gobyerno sa Malakanyang.
Kabilang sa mga nanumpa kahapon ay mga opisyal ng Provincial Board Members League of the Philippines, national Movement of Young Legislators, League of vice Governors, Office of the Cabinet Secretary, MRTCB, Professional Regulations Commission, TESDA at Philippine Sports Commission.
Ilan sa mga ito ay sina MMDA Chairman Danilo Lim, PCOO Assistant Secretary Margaux “mocha” Uson, Special Envoy for International Relations Dante Ang, MTRCB Board Member Dennis Padilla, Special Envoy to the European Union Ed Angara, at Jose De venecia na itinalaga bilang Special Envoy for APEC and Intercultural Dialogue.
Pinagsabihan ng Presidente ang mga nabanggit na opisyal na magtrabaho ng tama at huwag maging abusado sa tungkulin.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping