Nagkaharap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chief Justice Teresita Leonardo De Castro sa unang pagkakataon matapos na maitalaga ito bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Duterte ang panunumpa sa tungkulin ni De Castro kahapon, Agosto 31.
Kasama ni De Castro sa kanyang oath taking sa Malakanyang ang kanyang pamilya.
Una nang iginiit ni Pangulong Duterte na nakabatay sa seniority ang pagpili niya kay De Castro bilang bagong punong mahistrado kapalit ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Binigyang diin pa ng pangulo na walang halong pulitika at hindi pabuya ang appointment ni De Castro.