Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na nakatakdang magkaroon ng virtual oathtaking ang mga pumasa sa licensure examination sa nutritionists and dietitians sa Pebrero 18.
Ayon sa PRC, isasagawa ang oathtaking alas-diyes ng umaga sa pamamagitan ng microsoft teams o zoom.
Kung saan, ang mga inductees ay dapat magsuot ng formnal attire at gumamit ng white virtual background sa buong seremonya ng panunumpa.
Inatasan ng komisyon ang mga dadalo na kumuha ng online appointment schedule sa http://online.prc.gov.ph at piliin ang “e-oath” bilang transaksyon.
Samantala, ang mga inductees ay inatasan din na mag-print ng “oath of professional” na mada-download sa mga online services ng PRC. —sa panulat ni Kim Gomez