Pansamantalang suspendido ang Obstetrics and Gynecology (OB-GYN) services sa Pasay City General Hospital (PCGH) hanggang Agosto 26.
Ayon sa pamunuan ng PCGH, ginawa ang hakbang upang matutukan ang dumaraming bilang ng mga medical officers na tinatamaan ng Coronavirus sa kanilang ospital.
Matatandaang inihayag ng Department of Health (DOH) na posibleng may community transmission ng mas nakakahawang Delta variant sa bansa.